Add parallel Print Page Options

24 Walang taong makapaglilingkod sa dalawang panginoon sapagkat maaaring kapootan niya ang isa at ibigin ang ikalawa. Maaaring maging tapat siya sa isa at pawalang-halaga ang ikalawa. Hindi kayo makapaglilingkod sa Diyos at sa kayamanan.

Huwag Mabalisa

25 Dahil dito, sinasabi ko sa inyo: Huwag kayong mabalisa sa inyong buhay kung ano ang inyong kakainin, o iinumin, o kung ano ang inyong daramtin. Hindi ba ang buhay ay higit pa sa pagkain at ang katawan ay higit pa sa damit?

26 Tingnan ninyo ang mga ibon sa himpapawid. Hindi sila naghahasik, ni gumagapas, ni nag-iipon sa mga bangan, ngunit pinakakain sila ng inyong Ama na nasa langit. Hindi ba lalo kayong higit na mahalaga kaysa sa kanila?

Read full chapter